KINOMPIRMA ng Quezon City Police District (QCPD) na kanilang inaresto ang dating sexy actor na si Anton Bernardo makaraan mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa isang checkpoint sa Quezon City.
Ayon kay Supt. Wilson de los Santos, hepe ng QCPD, pinara nila ang 39-year-old former actor dahil walang suot na helmet ngunit nakompiskahan ng transparent plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang drug paraphernalias
Kabilang aniya rito ang plastic pen, isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu substance, isa pang maliit na plastic heat-seated transparent plastic sachet na mayroong tatlong piraso ng thin strip rolled aluminum foil, dalawang piraso ng used thin rolled aluminum foil na ginamit bilang pipe o tooter, at isang piraso ng used strip aluminum foil na may bakas ng white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.
Nahaharap si Bernardo sa kasong driving without helmet at possession of illegal drugs.
Sikat si Anton noong dekada ’90 dahil sa bold films na gaya ng “Patikim ng Pinya” (1996), “Nang Mamulat si Eba: Part 2” (1997), “Kesong Puti” (1999), “Anakan Mo Ako” (1999), at “Sa Paraiso Ni Efren” (1999).