Saturday , November 23 2024

Mukha ng sekyu wakwak sa bote

121114 boteWASAK ang kaliwang bahagi ng mukha ng isang security guard matapos saksakin ng  basag na bote  sa mukha ng kanyang kaaway sa Suter St., Sta. Ana, Maynila kamakalawa.

Unang dinala sa Sta. Ana Hospital ngunit pinayuhan ng mga doktor na ilipat sa Philippine General Hospital (PGH), ang biktimang si Glen Rodriguez, 32, security guard, residente sa nasabing lugar.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na itinurong isang Marnel Gaboy, kapitbahay ng biktima.

Ayon kay Supt. Fernando Opelanio, hepe ng Manila Police District Sta. Ana police (PS 6), naganap ang insidente dakong 9:00 p.m. sa nabanggit na lugar nang tanggalin ng biktima ang andamyo na  ginawang daanan ng mga residente habang ginagawa ang kalsada.

Napaga-alaman na sinaway umano ng suspek ang biktima sa ginawang pagtanggal sa kahoy kaya bagtalo ang dalawa hanggang magsuntukan.

Tinangka umano ng mga kapitbahay na awatin ang dalawa pero hindi nagpaawat hanggang makadampot ng basag na bote ng alak saka isinaksak sa mukha ng biktima dahilan para mawakwak ang kaliwang bahagi nito.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *