TINATAYANG 200 kabahayan ang nasunog sa C. Perez St., Tonsuya, Malabon City na naapula kahapon ng madaling araw.
Ayon kay Fire Senior Superintendent Leonides Perez, district fire marshal, apektado ang 400 pamilya dahil sa sunog.
Nag-iwan ito ng danyos na P2 million.
Nasugatan ang anim mga residente sa sunog na kinilalang sina Rodel Mabute, 36; Ogie Basco, 17; John Michael Alunsaga, 22; Roderick Cruz, 18; Nino Cruz, 35, at Mark Anthony dela Cruz, 25-anyos.
Agad g isinugod sa ospital sa Malabon ang apat sa anim na sugatan, habang ang dalawa ay nilapatan ng paunang lunas sa pamamagitan ng rescue team sa lugar.
Rommel Sales