PATAY ang isang tricycle driver makaraan saksakin ng kalugar na sinita niya sa pagmumura kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.
Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Marco Polo Priel, 30, ng Block 3, Pama Sawata, C3 Road Brgy. 28, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod, sanhi ng maraming tama ng saksak sa katawan.
Habang agad naaresto ang suspek na si Michael Lapriza, 34, helper, kalugar ng biktima, nahaharap sa kasong murder.
Base sa ulat ni SPO1 Joselito Barredo Jr., dakong 1 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng isang tindahan sa Block 7 ng na-sabing barangay.
Sa ulat, nakikipag-inoman ang biktima nang duma-ting ang suspek na bumili ng sigarilyo.
Nang makita ng biktima, sinita ang suspek sa pagmumura ni Lapriza ilang araw na ang nakalilipas.
Ngunit hindi siya pinansin ng suspek na agad umalis ngunit makaraan ang ilang minuto ay bumalik saka inundayan ng saksak ang biktima.
Pagkaraan, mabilis na tumakas ang suspek ngunit naaresto ng nagrespondeng mga pulis.
Rommel Sales