Saturday , December 28 2024

Pastor nanaga ng amok

121014 itakVIGAN CITY – Hindi napigilan ng isang pastor sa Sinait, Ilocos Sur, ang galit sa lalaking naghamon sa kanya ng away kaya’t kanyang pinagta-taga.

Kinilala ang pastor na si Marlon Yuri, 38, ng Evangelist Church of Christ, ng Brgy. Kati-punan sa nasabing bayan. Ang amok ay kinilalang si Joseph Pangala, 32, ng Brgy. Namnama sa pareho ring bayan.

Ayon sa ulat, nagtu-ngo ang pastor kasama ang dalawa niyang anak sa kanilang kapilya.

Nagkataong nagwa-wala at pinagsisigawan ni Pangala ang kanyang lolo at lola sa labas ng kanilang bahay sa tabi ng kapilya.

Pinagsabihan at pinatigil ng pastor si Pangala ngunit imbes makinig hinamon ng suntukan ang alagad ng simbahan.

Hindi pinansin ng pastor ang biktima ngunit nang pauwi na ay hinabol ni Pangala at hinampas ng pala ang una.

Tumakbo ang pastor, kinuha ang itak na naka-tago sa tricycle saka pinagtataga ang biktima.

Sumuko ang pastor makaraan ang insidente habang isinugod sa Mariano Marcos State University Hospital ang amok.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *