UNTI-UNTI na sanang nalilimutan ng sambayanan ang ginawa noon ni Ms. Korina Sanchez kay Mr. Anderson Cooper. Nang maliitin niya ang report nito sa CNN tungkol sa mga biktima ng Yolanda sa Tacloban City.
Pero ngayon, heto mayroon na namang bagong pinagkakaguluhan at pinagpipiyestahan ang netizens dahil sa kanya at tungkol na naman sa bagyo — kay Ruby.
Buti na lang, hindi nakatuluyan ni Ms. Korina Sanchez ‘yung ex ni-yang may sister rin na taklesa … at ‘yung ex niya mismo …mas madalas rin na na nagiging taklesa kaya nga nagiging kontrobersiyal din.
Sabi nga, ang dulas ng dila ay nagpapakita kung ano ang tunay na pagkatao ng isang tao.
Gaya nga ng usapan nina Ms. Korina Sanchez at Noli De Castro sa kanilang news program na TV Patrol na kinainisan ng maraming viewers at netizens.
Mantakin ninyong sabihin na sana sa Japan na lang daw manalanta ang bagyong Ruby kasi kaya naman daw nila.
Ito ang tawag dito, the culture of turo-turo. Mahilig magturo at manisi ng ibang tao o kaya mas mabuti nang maperhuwisyo ang iba huwag lang sila.
Ganyan po ang lumalabas na kultura ng mga taong nagsasalita nang ganyan.
Kaya nga, mas mabuti pa raw na mag-leave muna sa pagbabalita si Ms. Korina at mag-aral na lang muna kaysa mabulilyaso na naman ang kanyang mister na si DILG Secretary Mar Roxas.
Hehehehe …
Mukha kasing d’yan daw mapapahamak si Secretary Mar sa 2016. D’yan sa mga daplis ng dila ni Ms. Korina.
Ilang beses na nga siyang nasisilat dahil sa kanyang asal at pag-uugali pero hindi pa rin natututo.
Ms. Korina, pwede namang magbago. Unti-untiin mo na kaya. P’wede ba?
Maging conscious ka naman sa mga sasabihin mo lalo kung nakaharap ka sa camera.
Alalahanin mo, maraming nanonood sa iyong kabataan. Baka akala nila ‘e tama ang saltik ng iyong dila.
Careful, careful…
‘Yun lang po.