SANDAMAKMAK na reklamo ang nakara-ting sa atin mula sa maralitang vendors at sidecar boys sa Divisoria.
Ang tinutukoy nilang mala-berdugong Kagawad ay isang alias BING LUIS ng Brgy. 287 Z-27.
May masamang bisyo raw kasi si Kagawad Bing, sinisira at winawasak ang kariton pati paninda ng mga pobreng vendor kapag nagpapagpag ang tropa niya sa nasabing lugar.
Hinaing a ng mga vendor, naghahatag naman sila sa tropa ni Kagawad pero mukhang may ibang hinihirit pa si Kagawad na hindi na talaga kayang ibigay ng mga vendor!?
Sonabagan!!!
Brgy. 287 Chairman DEL PASCUAL, pwede ho bang pakitingnan ang sandamakmak na reklamo na ito ng mga vendor at sidecar boys sa iyong nasasakupan barangay.
Kung may katotohanan ang sumbong na ito ‘e hindi mo naman siguro kokonsintihin ang maling gawain ng Kagawad n’yo ‘di ho ba, Chairman?