Bakit po kaya mas masarap makipag-sex sa iba kaysa sa GF ko? 0928-3986267
Sa iyo 0928-3986267,
Kung ako ang GF mo may paglalagyan ka! Buti na lang hindi! Anyway, ilang taon na ba kayo, baka naman nagsawa ka na sa kanya kaya ganoon. Pero dapat sa halip na makipag-sex ka sa iba, bakit hindi ka gumawa ng paraan para muling magkaroon ng excitement ang inyong pagsasama? ‘Yan ay kung talagang mahal mo siya.
Sexy Leslie,
Nakakabaog po ba ang pagma-masturbate?
0921-2875082
Sa iyo 0921-2875082,
Maaari lalo kung sa kaka-masturbate mo ay nagkaroon ng diperensiya ang iyong reproductive systema. Pero kung dahil lang talaga sa madalas na pagma-masturbate, hindi naman lalo kung malusog ka namang tao.
Sexy Leslie,
Ano po ba ang tumutulo o lumalabas na likido sa ari ng lalaki, saan po ito nakukuha? Misteryoso
Sa iyo Misteryoso,
Posibleng tulo ang sinasabi mo, nakukuha ‘yan sa katalik na mayroong STD. Agad magpakonsulta sa espesyalista.