PARANG ‘diyablo’ raw kung humalakhak ang mga nagpapakilalang may-ari ng Emperor International KTV Club sa Remedios St., Malate, Maynila.
Hindi umano maubos ang halakhak ng isang alias RUDY NGONGO kasi nga naman nagmukhang engot lang ‘yung IACAT, NBI at PNP-CIDG.
Ni-raid ngayon pero hindi man lang naglipas-linggo , bukas agad-agad?!
Gusto na nating maniwala na ‘malaki’ ang tosgas at koneksiyon ng mga magkakasosyo d’yan sa Emperor International KTV Club.
Ibig sabihin malaki ang pinakawawalang ‘CASH PAYOLA’ para SWAK na SWAK ang operations nila .
‘E sa laki ba naman ng kinikita nila sa mga Chinese girl na rumarampang prostitutes d’yan sa Emperor, talagang tabong-tabo ang ta-kits nila.
Bukod sa kinakaladkad nila ang pangalan ng isang Malacañang official, mukhang mga bigtime rin ang mga kliyente ng Emperor na sumasangga rin sa kanilang mga ilegal na transaksiyon.
Tsk tsk tsk …
Hindi ko alam kung bakit nakalulusot kay Madam SOJ Leila De Lima ‘yang Emperor International prostitute este KTV Club …
Mukhang mabigat din ang bentahan ng ‘bato’ ng mga Chinese gangster sa VIP room ng club na ‘yan, ayon pa sa isang guest relation officer (GRO) nila?!
Nag-cashy-usan ‘este ayusan na ba sila sa DOJ-IACAT?
Just asking lang ho!