UMAABOT na sa 131 domestic at international flights na ang kinansela ng iba’t ibang airline companies dahil sa masamang lagay ng panahon.
Ayon sa ulat ng NAIA media center, kabilang sa mga naapektohang byahe ay patungo ng Caticlan, Kalibo, Catarman, Naga, Roxas, Tacloban, Dumaguete, Legazpi at Tagbilaran City.
Habang isang flight mula sa Taiwan ang hindi na itinuloy ang biyahe dahil sa pangambang maapektohan ang kanilang eroplano ng bagyong Ruby.
Payo ng mga opisyal ng NAIA, agad makipag-ugnayan sa mga airline companies upang maitakda sa ibang araw ang kanilang byahe.
GMG