PAKIRAMDAM ng mga Immigration Officers (IOs) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ay mukhang nagiging weird ang kanilang BI-NAIA Terminal 2 head na si Madam Sheila ‘sexy’ Rosacay.
Para raw kasing napapraning sa hindi mabilang na ipinagbabawal sa kanila.
Bawal ang bag at kahit na maliit na pouch sa immigration counter kahit wala naman silang dalang cellphone ‘e parang silip nang silip.
Pero higit sa lahat, maraming IO ang uma-angal dahil ang pagtatalaga (schedule) niya ng tao ay depende kung gaano raw kalapit at kalayo sa kanya?
S’yempre kapag close sa kanya, mailalagay sa magandang oras ng duty.
Ang isa pa umanong kapuna-puna kay Madam Sheila, ‘e parang nag-iba ang ugali nang ma-retain bilang hepe ng mga IO d’yan sa BI-NAIA terminal 2.
Mabilis daw palang pasukin ng hangin sa puwit ‘este’ tuktok si Ms. Rosacay.
Ayon pa sa mga IO, delikado umano ‘yan, kumbaga sa bagong panganak, madalas nasusumpit ng hangin kaya nagkakaroon ng diperensiya sa tuktok?!
Hindi raw kaya ‘yan ang dahilan kung bakit para siyang weird at napapraning?!
Anyway, bukas po ang Bulabugin para sa iyong panig, Ms. Sheila Rosacay.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com