MASYADO naman tayong nagtataka sa ‘powers’ ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixtong este Sixto, Jr.
Ang kanyang SALITA ay tila isang batas na kahit ang Supreme Court ay hindi ‘ata kayang banggain dahil umano sa kapangyarihan na iginawad sa kanya ng Election Automation Act.
Mantakin ninyong nang sabihin niyang bibilhin ng Comelec ang P3.5 billion PCOS noong 2013 ‘e walang dalawang salita, aprub agad.
‘Yung P3.5 billion voting machines na ‘yan ay inupahan ng nauna sa kanyang chairman na si Benjamin Abalos ng P7.5 billion para sa eleksi-yon noong 2010.
Bukod sa P3.5 billion, nagdagdag pa ng P4 billion para umano sa mga add-ons and warehousing.
Tsk tsk tsk …
What the fact!?
Ganyan lumaspag ng kuwarta ng bayan si Brillantes pero wala man lang magawa ang Supreme Court?!
‘Yan ay sa kabila na kuwestiyonable ang supplier na SMARTMATIC dahil wala silang source code noong 2010 at 2013 elections na malinaw na paglabag sa Election Automation Act.
Ipinagpilitan pa rin ni Sixtong ‘este’ Sixto Brillantes, kailangan umanong bilhin ang nasabing voting machines (PCOS) dahil iyon umano ang nakasaad sa kasunduan ng pag-upa.
Pero ayon sa Government Procurement Policy Board (GPPB), ang option na ito ay awtomatikong napaso nang hindi bilhin ng Comelec ang inupa-hang voting machines noong December 31, 2010.
Nitong Nobyembre 20, muling nagsalita si Brillantes para upakan ang lahat ng kumokontra sa refurbishing ng nasabing voting machines (PCOS) sa halagang P3 billion. At kahit na ang legal division mismo ay nagsasabing kailangan ng public bidding, hindi ito ipinagpilitan ni Brillantes.
Ibig sabihin, bago magretiro sa Pebrero 02, 2015 si Brillantes ay maire-refurbish na ang PCOS …
Good luck Philippines 2016!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com