Aries (April 18-May 13) Panahon na para magbago ng estratehiya. Kailangang samahan ang iyong free spirit ng diplomasya kung nais matupad ang layunin.
Taurus (May 13-June 21) Dahan-dahan kang babalik sa iyong pamilyar na landas.
Gemini (June 21-July 20) Makararanas pa rin ng krisis, ngunit may makikita nang liwanag sa dulo ng tunnel.
Cancer (July 20-Aug. 10) Kailangan maging malamig ang ulo at diplomatic ngayon. May magaganap na biglang pagbabago.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong magiging hiling ngayon ay higit pang maging komportable ang iyong workplace.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Magbubukas ngayon ang bagong pahina ng iyong book of love, gayundin ay higit pang tatalas ang iyong pagiging creative.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong buong atensyon ay nakatuon sa bahay at pamilya.
Scorpio (Nov. 23-29) Maipapayo sa iyo na mag-focus sa traditional social circle, particular na sa kababaihan. Maaaring sa kaanak, kapitbahay o kaibigan.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring muling mapuno ang pitaka ngayon. Posibleng dahil sa pagsisikap sa trabaho.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Panahon na para lalo pang mapagbuti ang imahe ngunit huwag namang maging radikal ang pagbabago.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Bagama’t natural ang pagiging bukas sa lahat, maaaring maging malihim ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Maaaring puno ang araw ngayon ng hindi inaasahang mga sitwasyon.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Bagama’t nangako ang isang kaibigan na ikaw ay pauutangin, posibleng magbago ang kanyang isip.
ni Lady Dee