ARESTADO ang isang barangay chairman at sampung iba pa sa pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa hinihinalang drug operation sa Pasay City kamakalawa.
Kabilang sa naaresto sa pagsalakay si Barangay 43 Chairman Alejandro Morales. Itinanggi ni Morales na sangkot siya sa drug trade.
Bago ang pagsalakay, sinuri ng NBI ang surveillance video ng isinasagawang repacking at bentahan ng methamphetamine hydrochloride (shabu) sa nabanggit na lugar.
HNT