Saturday , November 23 2024

14 fratmen kakasuhan sa Servando hazing

120314 servandoINIREKOMENDA ng Department of Justice (DoJ) ang pagsasampa ng kaso sa 14 miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity ng De La Salle-College of Saint Benilde (DLS-CSB) chapter bunsod ng pagkamatay sa hazing ng estudyanteng si Guillo Cesar Servando noong Hunyo 28.

Sa 24-pahinang resolusyon na may petsang Nobyembre 5 na isinulat ni Assistant State Prosecutor Stewart Allan Mariano at sinang-ayonan ni Prosecutor General Claro Arellano, nakakita ng probable cause ang panel of prosecutors para kasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 8049 o Anti-Hazing Law sina Cody Errol Morales, Daniel Paul Martin Bautista, Kurt Michael Almazan, Esmerson Nathaniel Calupas, Hans Killian Tatlonghari, Eleazar Pablico III, John Kevin Navoa, Vic Angelo Dy, Mark Andrew Ramos, Michael David Castañeda, Justin Francis Reyes, alyas Kiko, alyas Bea, at isang hindi nakilala (Jane Doe).

Habang ipinawalang-sala dahil sa kakulangan nang sapat na ebidensya sina Jemar Pajarito, ang caretaker ng bahay sa Palanan, Makati City na pinangyarihan ng hazing; Luis Solomon Arevalo, Carl Francis Loresca, Steven Jorge Peñano, Ma. Teresa Dayanghirang at Alyssa Federique Valbuena.

Batay sa resolusyon, hindi kabilang ang anim sa mga nanakit kay Servando, at sa kapwa-neophytes na sina John Paul Raval, Lorenze Anthony Agustin at isang menor de edad. Sinabi ni Prosecutor Mariano, inaprobahan na rin nila ang pagiging state witness nina Pajarito at Arevalo.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *