Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol dedbol sa adik na ama

082914 dead babyPINAGLALAMAYAN na ang isang 6-buwan gulang na sanggol makaraan patayin ng adik na ama kamakalawa ng hapon sa Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan.

Sa ulat mula sa Angat police, arestado ang suspek na si Fernan Varilla Visconde makaraan patayin ang sanggol na anak sa pamamagitan ng pagpigil sa paghinga ng biktima.

Ayon kay Inspector Nestor Bautista, deputy police chief ng naturang bayan, nakita ng mga kapitbahay si Visconde habang karga-karga ang anak na noon ay nakangiti ngunit pagkaraan ng ilang minuto ay pinindot-pindot ang ilong ng biktima hanggang hindi na makahinga at mamatay.

Inamin ng suspek ang pagpatay sa sanggol makaraan masakote sa kanyang bahay sa Sitio Maiboy sa naturang barangay.

Ayon sa suspek, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka niyang patayin ang anak.

Bukod sa pagiging sugapa sa droga, hinihinalang dahil sa hindi nila pagkakaunawaan ng kanyang misis ang motibo sa pagpatay sa sanggol.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …