Saturday , November 23 2024

Pribilehiyo nina Enrile, Jinggoy balik na

120214 enrile jinggoyBALIK na ang privileges nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jinggoy Estrada bilang senador makaraan mapagsilbihan ang 90-day suspension order na ipinataw ng Sandiganabayan bunsod ng kinakaharap na kasong plunder kaugnay ng pagkakasangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Nagtapos ang suspension order laban kay Enrile noong Nobyembre 28, habang Nobyembre 29 kay Estrada.

Gayonman, mananatili pa rin nakakulong ang dalawa sa PNP custodial center sa Kampo Crame.

Ayon kay Senate President Franklin Drilon, pwede na muling maghain ng panukalang batas at resolusyon sina Enrile at Estrada at tumanggap ng kanilang sahod bilang senador ngayong lifted na ang kanilang suspension order.

Sa ngayon, tanging si Sen. Ramon Revilla na lamang ang kasalukuyang nakasuspende hanggang mapagsilbihan ang 90 day suspension order na matatapos sa Enero ng susunod na taon.

Niño Aclan/Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *