Anak: Itay, wala na naman po tayong ulam.
Itay: Mahirap ngayon ang buhay, anak. Tiis muna tayo. Isipin mo na lang ‘yung ulam na sasabihin ko sa bawa’t subo mo.
Anak: Sige po, Itay!
Itay: Nilagang baka.
Anak: Hmmnn… sarap!
Itay: Adobong baboy.
Anak: Hmmnn… sarap!
Itay: Kalderetang kambing.
Anak: Hu! Hu! Hu! Hu!
Itay: Bakit ka napaiyak?
Anak: Maanghang po, Itay!