ARESTADO ang isang Swiss na isinasangkot sa human trafficking at child abuse sa Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu.
Kinilala ang suspek na si Walter Hauck, dalawang taon nang naninirahan sa Brgy. Talisay.
Sa pagsalakay ng National Bureau of Investigation (NBI), Children’s Legal Bureau (CLB) at Provincial Women’s Commission (PWC) sa bahay ni Hauck nitong Sabado, nailigtas ang limang menor de edad.
May narekober pang sex toys sa bahay.
Nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang limang menor de edad habang nakakulong na si Hauck sa NBI 7 Regional Office.