Tuesday , December 30 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Na-amnesia sa panaginip

00 PanaginipEllo po Señor H,

Nanagnip aq about s crush q then about amnesia d q lng po sure talaga kng amnesia ang dahil kya d q maalala yung ibang bagay ganun po yung dream ko. S totoo, medyo magulo at yung iba detalye, d q n rn msyado mtandaan, pakibgyan naman ako ng meaning nung pnagnip q… slamat.. dnt post my cp….

 

To Anonymous,

Ang bungang-tulog na ganito ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong crush mo. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya.

Kung naging maganda ang tema ng panaginip mo sa iyong crush, maaaring pahiwatig din ito sa iyo na ngayon na ang tamang panahon na ligawan ang iyong crush, kung ganoon talaga kalalim ang feelings mo para sa kanya. Kung babae ka naman at nahihiyang manligaw, maaaring pahiwatig ito na dapat mo nang resolbahin ang isyu ukol sa taong crush mo para makapag-move-on ka na.

Kapag naman nanaginip ka na mayroong amnesia, ito ay nagsasaad na sinusubukan mong harangin ang rejected at negatibong aspeto ng iyong sarili o pagkatao. Nagsasabi rin ito ng takot sa maaaring idulot ng mga pagbabagong posibleng maganap sa iyong buhay. Subalit hindi ka dapat matakot sa mga pagbabago, lalo na kung positibo ang epekto nito sa iyo at kontrolado mo naman ang iyong buhay at kapalaran.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

SM Group Earns DOE Awards for Energy Efficiency

As a result of the successful implementation of energy efficiency and conservation initiatives across its …

SM Cares HOPE Deped

SM Cares Turns Movie Tickets Into Classrooms Nationwide

SM Cares launches the “HOPE in a Movie” campaign with a special screening of Avatar: …

Ashley Rivera white castle

Ashley Rivera bagong White Castle calendar girl

MATABILni John Fontanilla ANG aktres at content creator na si Ashley Rivera ang 2026 White Castle Whisky …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Taguig Childrens Park

Pinakamalaking children’s park sa Lungsod ng Taguig binuksan na sa publiko

PORMAL na binuksan sa publiko ang pinakamalaking Children’s  Park sa Taguig Ciity para sa mga …