KINOMPIRMA ng Malacañang na walang aktibidad si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong araw sa paggunita ng Andres Bonifacio Day.
Magugunitang tuwing Araw ni Bonifacio sa nakaraang mga taon, pinangungunahan ni Pangulong Aquino ang selebrasyon at pinakahuli niyang pinupuntahan ang Bonifacio Monument sa Caloocan City at Liwasang Bonifacio sa nakaraang mga taon.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang schedule sa labas ng Malacañang ang Pangulong Aquino ngunit magbibi-gay na lamang ng mensahe na ipadadala sa media.
Habang hindi masabi ni Valte kung may kinalaman ito sa nakakasang rally laban sa 2015 proposed national budget na sinasabing kargado pa rin ng pork barrel fund.