Saturday , November 2 2024

Religious at civil society groups maglulunsad ng pagkilos sa Astrodome

112814 cuneta astrodomeSA bibihirang pagpapakita ng pagkakaisa, ang religious at civil society groups ay magkikita-kita bukas (Sabado), ala-1:00 ng hapon sa Cuneta Astrodome para ipanawagan sa nasyon at magplano ng liderato para sa susunod na administrasyon pagkatapos ng Aquino era.

Sinabi ni dating  two-term Senator at Laguna Gov. Joey Lina, ang lead convenor ng grupo, hindi bababa sa  10,000 katao ang inaasahang magsasama-sama sa Pasay arena para saksihan ang pangako sa sarili at magpahayag ng pag-asa at direksiyon ang mga lider ng   religious, civil society, at multi-sectoral groups sa samabayang FIlipino.

Ayon kay Lina, minsan din nagsilbi bilang tserman ng Metro Manila Commission – ngayo’y Metro Manila Development Authority — at ng Dangerous Drugs Board, ang people empowerment at accountability na nakakabit sa Christian values of leadership ang sentro ng tema ng nationwide movement bukas.

“We are saddened by these alleged corruption cases. But we can’t also turn a blind eye to the achievements of this administration. We must learn from our mistakes and move forward,” sabi ni Lina.

Si dating Chief Justice Reynato Puno ang magsisilbing keynote speaker habang si Lina, ang pinakabatang nahalal na Senador sa history ng Philippine government at politika, ang magsasalita ng mga hamon sa mga Pinoy.

About hataw tabloid

Check Also

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Rolando Valeriano Rodrigo Duterte

Hindi bayani o diyos  
DUTERTE SALOT — SOLON

ni Gerry Baldo TAHASANG sinabi ng isang kongresista mula Maynila na hindi isang bayani o …

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *