SINABON umano sa Senado ang Philippine Sports Commission (PSC) sa gitna ng budget deliberation sa mungkahi nilang P186.9 milyones para sa taon 2015,
Mukhang umusok ang bumbunan ni triathlete Senator Pia Cayetano.
Madame Senator, kulang pa ho ‘yan pagsabon n’yo diyan sa mga opsiyales ng PSC.
Aba’y kung ako ho ‘yan ay babatukan ko pa ang mga ‘yan!
‘E wala naman umanong pinalakas na sports ang PSC tapos ang laki ng hinihinging budget!?
Aniya, walang tinutukan sa larangan ng sports ang PSC para palakasin sa kabila ng napakataas na budget na nakukuha nila.
Gaya na lang ng kinababaliwang basketball, volleyball at football ng mga Pinoy.
Ang dami nga namang kabataang athlete ang interesado sa mga larangang ‘yan bakit wala man lang napaunlad ang PSC?!
Ang nakakukuha lang umano ng malaking budget ay ‘yung individual sports na kama-kamag-anak pa ng mga opisyal.
Ang katwiran umano ni PSC chair Ricardo “Richie” Garcia, in line umano sa instruction ni PNoy na individual sports na malaki ang potensiyal na makakuha ng medalya at matipid pa umano ang gastos.
Wee?!
Talaga namang nagamit pa ‘yung Pangulo, ano?!
E sa totoo lang, panay ang angal ng mga athlete natin dahil delayed lagi ang allowance nila lalo na sa mga athlete na hindi prioridad ang kanilang sports.
Sobra rin ang politika at palakasan na pinaiiral diyan sa PSC!
Kaya naman lalo tayong nagiging kulelat sa sports competitions gaya sa Asian games at Olympic kasi mali-mali ang prioridad ng PSC.
Tsk tsk tsk …
Aba kung ganyan lang ang sports natin, mas mabuti pang ‘wag na talagang bigyan ng budget ‘yang PSC!