Bukod sa anim na malalaking pakarera ng MARHO sa darating na Linggo sa pista ng San Lazaro ay lalargahan din ang 2014 PHILRACOM “Ambassador EDUARDO M. COJUANGCO, JR. CUP” na pinangungunahan ng kampeong kabayo na si Hagdang Bato na rerendahan ng kanyang regular na hineteng si Jonathan Basco Hernandez.
Ang kanilang makakalaban ay sina Crucis, King Samer, Lady Pegasus, My Champ at Strong Champion. Sila’y maglalaban sa mahabang distansiya na 2,000 meters.
Kaya ngayon pa lamang ay maglaan na ng panahon sa Linggo upang masaksihan ng aktuwal ang pitong tampok na takbuhan.
ni Fred L. Magno