Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 paslit pinukpok ng martilyo ni tatay

112414 kambal abusedARESTADO ang isang ama makaraan pukpukin ng martilyo ang kanyang dalawang anak sa Brgy. Industrial Valley Complex sa Marikina.

Kuwento ng ina ng mga biktima na si Ginang Esther, dakong 9 a.m. nitong Martes nang umalis siya ngunit pagbalik niya kinahapunan, nagulat siya sa sumbong ng panganay na si Jun dahil sinaktan sila ng ama.

Bakas sa katawan ni Jun ang mga pasa at sugat makaraan siyang pukpukin ng martilyo ng kanyang amang si Mario. Pati ang 4-anyos niyang kapatid na babae ay pinukpok din ng martilyo sa dibdib.

Ayon kay Jun, matagal na silang sinasaktan ng kanyang ama.

Halos tatlong taon nang tinitiis ng mag-iina ang pananakit ng suspek sa tuwing mag-aaway ang mag-asawa at ang kadalasang dahilan ay selos.

Madalas din aniyang magwala sa kanilang lugar ang suspek, kaya pati mga kapitbahay ay natatakot sa lalaki.

Hindi na nakayanan ni Esther ang ginawa ng kanyang asawa kaya agad siyang nagsumbong sa barangay at mga pulis. Agad dinampot ng mga awtoridad ang suspek at ikinulong.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …