Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante itinumba sa Bulacan

112514 crime sceneNAMATAY noon din sa pinangyarihan ng krimen ang isang 53-anyos negosyante makaraan pagbabarilin ng apat kalalakihan na lulan ng isang kotse sa harap ng isang supermarket sa Brgy. Sta. Cruz, Guiguinto, Bulacan, kamakalawa ng gabi.

Tadtad nang tama ng bala ang biktimang kinilalang si Romualdo dela Cruz, residente ng Brgy. Bagong Barrio, sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, pasakay sa itim na Mitsubishi Pajero ang biktima dakong 7 p.m. makaraan dumalo sa meeting sa isang restaurant, nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril.

Pagkaraan ay tumakas ang mga suspek lulan ng isang kotse na hindi naplakahan.

Ayon sa pulisya, posibleng tungkol sa negosyo ang motibo sa krimen.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …