Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Problemadong kelot naglason sa harap ng pastor (Komunsulta muna)

082814 poison lason deadWINAKASAN ng isang 22-anyos lalaki ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason makaraan komunsulta sa isang pastor tungkol sa kanyang problema kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Jaymar Pingcas, walang asawa, production staff, at residente ng 34 Cadiz St., Brgy. Salvacion, Quezon City.

Batay sa imbestigasyon ni PO3 Edgar Manapat, dakong 9:30 p.m. nang maganap ang insidente sa tapat ng Uniwide Sales sa Rizal Avenue Ext., Brgy. 22 ng nasabing lungsod.

Sinabi ni Anthony Macabro Jr., isang pastor  ng Brgy. 153, Bagong Barrio, bago ang insidente, humihingi sa kanya ng payo ang biktima kaugnay sa mabigat niyang problema nang bigla na lamang tinungga ang laman ng dala niyang bote.

Nagulat na lamang ang pastor nang biglang mangisay ang biktima kaya isinugod niya sa pagamutan ngunit hindi nagawang isalba ng mga doktor.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …