NASASABIK na rin ang Palasyo sa paghaharap nina People’s Champ at Saranggani Rep. Manny Pacquiao at Floyd Mayweather.
Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., gaya ng sambayanang Filipino, hinihintay rin ng Malacañang ang sagupaang Pacquiao-Mayweather.
Hindi pa mabanggit ng Kalihim kung kailan nakatakda ang courtesy call ng Pambansang Kamao kay Pangulong Benigno Aquino III makaraan magapi si Chris Algieri at manatili bilang World Boxing Organization Welterweight Champion sa kanilang sagupaan na tinaguriang “Hungry for Glory” sa Cotai Arena sa The Venetian, Macau, China kamakalawa ng hapon.
Rose Novenario