BINAWIAN ng buhay ang isang lalaki nang atakehin sa puso habang nanonood ng laban nina Manny Pacquiao at Chris Algieri sa Naawan, Misamis Oriental.
Kinilala ang biktimang si Joven Baslot, 60, nanood sa tahanan ng alkalde ng Naawan na nagpa-free viewing nitong Linggo.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa round 9 ang laban nang mapansin ng mga kasama ni Baslot na nakayuko ang biktima at nanghihina bagama’t masigla pa at pumapalakpak sa unang round ng Pacquiao-Algieri fight.
Isinugod sa provincial hospital si Baslot ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Ayon sa maybahay ni Joven na si Lourdes, fan talaga ni Pacquiao ang kanyang asawa at lahat ng laban ng People’s Champ ay pinanood ng biktima.