Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Call center agent muntik na sa rapists in van

101614 rape girl abusedNAGBABALA ang Makati City Police sa mga kababaihan na mag-ingat kapag nag-iisa lalo na kung may nag-aalok na sumakay sa sasakyang van.

Isang babaeng call center agent ang muntik nang dukutin ng dalawang lalaking sakay sa isang puting van kamakailan .

Sa record ng police blotter, nagtungo sa himpilan ng pulisya si ‘Olive’ ng Bulacan, upang ireklamo ang nangyaring insidente.

Sa pahayag ni ‘Olive’ sa Complaint Desk ng Makati City Police, dakong 4 p.m. nitong Sabado nang maganap ang insidente sa Hotel Drive, Ayala Center, Brgy. San Lorenzo Village ng lungsod.

Aniya, naglalakad siya nang lumapit sa kanya ang mga suspek na sakay ng van na hindi naplakahan, at inalok siyang sumakay.

Tiyempong nagpa-patrolya ang isang gwardiya na namataan ang naturang van at ang mga suspek kaya agad niyang sinita.

Bunsod nito, mabilis na sumakay ang mga suspek at pinasibad ang van.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …