Thursday , March 5 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 bagets na akyat-bahay arestado sa Bulacan

112514 akyat bahayLIMANG hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang, kabilang ang tatlong menor de edad, ang naaresto sa operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Ang limang inaresto sa bisa ng arrest order na inisyu ni Judge Olivia V. Escubio-Samar ng Regional Trial Court, Branch 79 sa Malolos City, para sa kasong robbery ay kinilalang sina Crisanto San Juan, 18; Garry Concepcion,18, at tatlong menor de edad na sina Edgar, 15; Jonjon,16; at Arjay, 17, pawang mga residente ng nabanggit na bayan.

Napag-alaman, ang mga suspek ay responsable sa panloloob sa bahay ni Pricilla Chu y Parado, 59, sa Borland Subdivision, San Vicente, Santa Maria, Bulacan noong Mayo 24, 2014, dakong 2 a.m.

Pinaniniwalaang ang mga suspek ay mga miyembro ng notoryus na akyat-bahay gang na kumikilos sa lalawigang ito.

Daisy Medina

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Posas Handcuff

Sa San Rafael, Bulacan
Top 4 provincial level most wanted rapist timbog

Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaking may kasong panggagahasa sa bisa ng warrant of …

Chopper bumagsak sa Pililla Rizal

Chopper bumagsak sa Pilillia, Rizal; 1 patay, 4 sugatan

DEAD on the spot ang isang indibiwal habang sugatan ang apat na iba pa matapos …

Tondo Riot

Sangkot sa riot sa Tondo, 9 kabataan dinampot

NASAKOTE ng mga awtoridad ang siyam na menor de edad at isang 18-anyos suspek, matapos …

Dead Road Accident

Lady rider patay sa trailer truck

AGAD binawian ng buhay ang isang 58-anyos babaeng rider matapos magulungan ng trailer truck ang …

cal 38 revolver gun

Sa Cubao, QC
Kelot timbog sa bogang ibinongga

ARESTADO ang isang lalaki nang magresponde ang mga awtoridad sa sumbong ng Unified 911 na …