NABINGWIT ng 12-anyos na si Lawson Boyte ang record-setting na 114.1 librang hito mula sa Mississippi river. Ayon sa batang mula sa Oak Grove, Louisiana, “Tinitingnan ko lang para ayu-sin iyong bingwit ko at nang hatakin ko, may bumaltak pabalik sa ilog.”
Sa kabila na tumitimbang lang si Boyte ng 100 libra, nagawa niyang hanguin mula sa ilog ang dambuhalang hito na bumasag sa dating Louisiana record na 110.19 libra noong Abril 2005.
Noong araw na iyon, namimingwit ang bata kasama ang kanyang tiyuhin na si Jim Danley, at pinsang si Bo Danley, nang sagpangin ng higanteng isda ang bingwit ni Boyte. Gayon pa man, hindi pa rin siya naniniwala na tanging ang bingwit niya ang dahilan sa pambihirang pagkakahuli niya sa hito.
Sabi ni Boyte: “Suwerte lang hindi ga-ling mamingwit kaya mahuli ko ito. Pero sa tingin ko ay dahil na rin sa pagkain ko ng Vienna sausages.”
Madalas na dinadala ni Jim ang kanyang anak at si Boyte para mamingwit, “may matatandang namimingwit sa ilog, para maging alamat sa amin iyong mga isda dito, at saka nangyari, nabingwit namin siya. O nabingwit ng pamangkin ko at nandoon ako para masaksihan ito.”
Sang-ayon naman si Bo, “Talagang cool na naroon ako para makasaksi sa pangyayari. Once in a lifetime lang ito at hindi nangyayari lagi.”
Ipinadala ang nahuling hito ni Boyte sa Louisiana Department of Wildlife and Fisheries para madetermina ang eksaktong species at edad ng isda.
Kinalap ni Tracy Cabrera