07WALANG magiging adjustment sa operation hours ng Light and Metro Rail Transit System (MRT/LRT) sa Metro Manila kapag naipatupad na ang extended mall hours para maibsan trapiko.
Sinabi ni LRT Authority spokesman Hernando Cabrera, hindi sila mag-a-adjust ng kanilang oras ng operasyon na ang oras ay mula 5 a.m. hanggang 10 p.m.
Matatandaan, ipatutupad ng mall owners ang napagkasunduang oras ng pagbubukas mula 11 a.m. hanggang 11 p.m. para mabawasan ang mabigat na trapiko mula Nobyembre 28 hanggang Enero 3.