Saturday , February 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot natumbok ng motorsiklo habang umiihi (1 patay, 2 sugatan)

041314 deadZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang lalaki na nabangga ng motorsiklo habang umiihi sa gilid ng pedestrian lane sa highway ng Purok 1, Brgy. Nangka, Dinas, Zamboanga del Sur kahapon.

Habang namatay ang isang back rider nang nakabanggang motorsiklo na kinilalang si Edwardo Padilla Borlando, isang magsasaka, habang grabeng sugat sa katawan ang dinanas ng driver na si Paul Hemillian Alisna, 26.

Napag-alaman, hindi napansin ng driver ng motorsiklo habang komportableng umiihi sa gilid ng pedestrian lane ng kalsada si Christian David Cuevas, 21, ng Puwalas, Tubod, Lanao del Norte.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawang sakay ng motorsiklo ganon din ang umiihing biktima.

Dumanas grabeng sugat sa ulo ang namatay na biktima at idineklarang dead on arrival sa ospital.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Money Bagman

Sa flood control projects scandal
347 katao nais ng paliwanag sa nag-leak na kopya ng draft partial report

UMABOT na sa 347 indibiduwal ang co-signatories at naghain ng Petition for Full Disclosure ng …

Arrest Caloocan

Most wanted na magnanakaw sa Bulacan naaresto sa Caloocan

MATAGUMPAY na naaresto ng Provincial Intelligence Unit ng Bulacan Police, katuwang ang Bulacan 1st Provincial …

San Jose del Monte CSJDM Police

2 rapist sa CSJDM timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga operatiba ng San Jose del Monte City Police Station (CPS), …

Dead Rape

Siklista natagpuang patay sa Cavite memorial park

NATAGPUANG patay ang isang cyclist sa parking area ng Divine Mercy Memorial Park sa Brgy. …

Gun Fire

Mayor ng Surigao del Sur, aide sugatan sa ambush

SUGATAN ang alkalde ng Barobo, Surigao del Sur at kanyang close-in security detail nang paulanan …