8KRITIKAL ang kalagayan ng isang 37-anyos ginang makaraan tumalon mula sa Alejo Bridge, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Bustos, Bulacan kahapon.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, bago tumalon ang biktimang si Anita Basbas ay napansin siya ng mga residente habang palakad-lakad sa gilid ng tulay hanggang biglang tumalon dakong 8 a.m.
Mabilis na nagresponde ang 505 rescue team ng nabanggit na bayan at dinala ang biktima sa Bulacan Medical Center.
Napag-alaman ng pulisya, problema sa pamilya ang nagtulak sa biktima upang magtangkang magpakamatay.
Daisy Medina