NALITSON ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan sa sunog na naganap sa Tanza, Cavite kahapon.
Sa ulat ng Cavite Bureau of Fire Protection, dakong 12:54 a.m. nang magsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa tatlong business establishments sa Soriano Highway, Brgy. Daang Amaya 3, Tanza, Cavite.
Umabot sa ikatlong alarma ang suspek at naapula ng mga bombero dakong 2:18 a.m.
Kinilala ang namatay sa insidente na si Felicito alyas Bitoy, trabahador ng Yellow Gold Hardware, habang sugatan sina Wilson Lupig at Wilmer Lupig.
Pinaniniwalaang electrical short circuit sa 2nd floor ng establisimentong pag-aari ng isang Mrs. Perlita S. Santillan, ang sanhi ng sunog.
Beth Julian