Monday , December 23 2024

Kritiko ng PCOS nananaginip nang gising — Comelec official

080914 pcos comelecBINATIKOS kahapon ng isang senior member of the Commission on Election (Comelec) ang isang dating Comelec official na itinalaga noong Arroyo administration sa pagkakalat ng haka-haka na minanipula ang automated elections noong 2013.

Sinabi ni Commissioner Lucenito Tagle na nananaginip nang gising si Melchor Magdamo na nagsabing ang precinct count optical scan (PCOS) machines ay naka-pre-programmed para sa sistematikong ‘dagdag-bawas.’

“Kasinungalian at malaking kalokohan iyang sinasabi ni Magdamo. Paanong magkakaroon ng dagdag-bawas kung aniya’y naka-program na nga?” sabi ni Tagle.

Ayon kay Magdamo, executive assistant ng dating Comelec chairman na si Jose Melo, “malamang nadugasan ng boto sina Koko Pimentel at brother Eddie Villanueva.”

Nakita umano ang hinihinalang “electronic fraud” ng isang grupo ng information technology experts mula sa Department of Science and Technology (DOST) sa isinagawang random audit, ayon kay Magdamo.

Mariing pinabulaanan ni Tagle ang kuwento ni Magdamo dahil nanalong pang-walo si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III samantala pang-19 si Villanueva.

Hindi kailanman nagsumite ng report ang sinuman mula sa DOST at hindi rin nagprotesta si Pimentel o Villanueva, paglilinaw ni Tagle.

Ang Liberal Party guest candidate na si Grace Poe na nag-top sa senatorial race at nakatanggap ng 20,337,327 votes ay hindi naman nakatanggap ng bintang na nandaya.

“Diyan malinaw na makikita na basura lamang ang mga haka-haka na inire-recyle ng mga gustong sumulot sa Smartmatic. Bakit hindi na lamang sumali sa bidding ang mga ‘yan at ibida ang kanilang teknolohiya?” sabi ni Tagle.

Si Pimentel mismo ang nagsabing walang napatunayan sa mga alegasyon ng pandaraya gamit ang PCOS.

Ang Smartmatic Philippines ay isa sa mga sasali sa Comelec bidding sa P2-billion contract para sa supply ng 23,000 ng additional voting machines para magamit sa 2016 national elections.

Hinamon ni Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr. ang mga kritiko ng PCOS machines na “i-showcase ang kanilang produkto at magbigay ng best offer.”

(ERA)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *