DINISARMAHAN at ikinulong ang isang pulis ng Manila Police District ng kanyang hepe nang makatakas ang babaeng preso kamakalawa ng madaling-araw sa Miesic Police Station 11 sa Binondo, Maynila.
Kinilala ang pulis na si PO1 Danilo Quirimit, nakatalaga bilang jail officer ng nasabing himpilan, dinisarmahan at ikinulong ng kanyang hepe na si Supt. Robert Domingo. Kinilala ang presong nakatakas na si Lea Cuyungan, may-asawa, jobless, ng Area Bliss Project, San Gregorio Street, Tondo.
Nakiusap ang preso sa pulis na dalhin siya sa ospital dahil hindi siya makahinga at dinaing may sakit siyang breast cancer. Ngunit nang isasakay na sa ambulansiya ay biglang naglahong parang bula ang preso.
Leonard Basilio