BAGSAK sa detention cell ng Quezon City Police District (QCPD) ang 14 karnaper makaraan maaresto ng mga operatiba ng QCPD sa Malabon City.
Ayon kay Quezon City Police District Acting Director, Senior Supt. Joel Pagdilao, apat sa most wanted persons ng Quezon City ang magkakasunod na naaresto ng mga pulis kabilang ang nagpakilalang propesor sa Maynila.
Isa sa apat naarestong mga suspek ay kinilalang si Jomel Tamalia, miyembro ng notoryus na Gaga robbery, kidnapping at carnapping group.
Nahuli rin ang isang Dionisio Bote na sangkot sa mga insidente ng jeep at AUV robbery, gayon din ang isang Vicente Gomez na No.2 sa most wanted person sa QCPD station 4, habang ang nagpapanggap na propesor ng CEU ay kinilalang si Ronald Uyguanngco.
Ipinagmamalaki ng pamunuan ng QCPD na bumaba ang kaso ng robbery-theft nang 35% simula nang nakalipas na buwan.