KINUHA na ang P46 milyong premyo ang isang buntis na nurse makaraan solong masungkit ang jackpot prize sa 6-42 Lotto.
Sa bola noong Nobyembre 11, sakto ang taya ng ginang sa nanalong kombinasyong 02-09-15-20-21-30.
Ayon sa 24-anyos ginang mula sa Cavite, petsa ng kaarawan, wedding anniversary at due date ng pagputol sa kanilang koryente ang tinayaan niyang mga numero.
Mismong si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Acting Chairman Jose Ferdinand Rojas ang nag-abot ng premyong umabot sa P46,288,040 sa ginang na nagsabing unang beses niyang tumaya sa Lotto.