SUGATAN ang anim katao makaraan magbanggaan ang isang private van at pampasaherong bus na dumiretsong sumalpok sa harapan ng gusali ng isang punerarya kahapon ng umaga sa MacArthur Highway, Caloocan City.
Kinilala ang mga sugatan na sina Kennyvie Dancil, Eduardo Ortega, Alvin Borres, Riza Lipasano, Laurenciano Tiusi at ang driver ng bus na si Vicente Roaman.
Hawak na ng Caloocan City Traffic Management Unit ang driver ng Hyundai Starex van (WCD-323) na si Aljohn Constantino, ng Block 5, Lot 30, Thursday St., Brgy. San Nicolas, Bacoor, Cavite.
Binabagtas ng AC Trans bus (TXW-657) ang kahabaan ng MacArthur Highway nang makasalubong ang Starex van. Sinabi ni Roaman, tinangka niyang iwasan ang van ngunit nahagip pa rin hanggang mawalan ng kontrol at diretsong sumalpok sa konkretong plant box at poste.
Rommel Sales