Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cannibal naaktohan sa South Wales

Kinalap ni Tracy Cabrera

111714 dead victim

KINOMPRONTA ng British police ang isang lalaking tinatangkang kainin ang mata at mukha ng isang babae at ginamitan ng stun gun bago namatay ang sinasabing cannibal, binanggit ng lokal na media mula sa salaysay ng mga testigo.

Inihayag ng mga awtoridad na patay na ang babae nang makita sa eksena kaya nagsasagawa na ngayon ng imbestigasyon sa kasong murder.

Ayon sa pulisya, ini-report sa kanila ang insidente sa isang hostel sa kaba-yanan ng Argoed sa South Wales matapos ang ulat ukol sa isang lalaki na sumalakay sa isang babae.

Nadiskubre ng security staff sa Sirhowy Arms ang 34-anyos na suspek, na kalalaya lang mula sa bilangguan, na kinakain ang isang babae, na pinaniniwalaang ang kanyang 22-anyos girlfriend.

Binaril ng mga nagrespondeng pulis ang suspek gamit ang Taser stun gun. Nawalan ng malay at naging unresponsive hanggang bawian ng buhay.

Maraming detalye sa insidente ang hindi pa nalilinaw ng mga awtoridad.

“Nag-Hannibal Lecter siya doon sa babae, dinukot niya iyong mata saka kinain, pati kalahati ng mukha ng biktima,” pagsasalarawan ng testigong si Lyn Beasley sa South Wales Evening Post.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sinelas.atbp

Sinelas.atbp sumasalamin sa diwa ng kasiningan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA and mga produktong iprinisinta ng Sinelas.atbp. na pag-aari ni Ms. Amelita Revilla noong Martes, …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Love Kryzl

Love Kryzl at mga kapatid ipinagdiwang musika, negosyo, at tagumpay

PINAGSAMA ni Love Kryzl at mga kapatid nito ang musika, negosyo, at pagpapahalaga sa pamilya sa isang …

SM Waste-Free Future WFF

Take small steps for big change: SM Waste-Free Future illustrates doable actions for a cleaner, greener planet.

MANILA, Philippines – Becoming part of the solution toward better waste management practices has been …