Saturday , November 23 2024

7-anyos totoy nagbigti?

080614 bigtiPALAISIPAN sa mga awtoridad ang pagbibigti ng isang 7-anyos batang lalaki sa loob ng inuupahang bahay kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Hindi nagawang isalba ng mga manggagamot ng Caloocan City Medical Center ang buhay ng biktimang kinilalang si GJ Lance Neil Gamayon, Grade 2 pupil, ng L. Nadurata St., Brgy. 50 ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigas-yon nina PO2 Edgar Manapat at PO2 Cesar Garcia, dakong 5:38 p.m. nang matagpuang na-kabigti ang biktima.

Salaysay ng ama ng biktima, dumating siya galing sa trabaho at pagpasok niya ay nakita ang anak na nakabigti sa dingding kaya agad ni-yang isinugod sa pagamutan.

Nakakuha sa pinangyarihan ng insidente ang mga pulis ng isang sirang kutsilyo, kalahating PVC pipe at manipis na kumot.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente upang mabatid kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *