Saturday , November 23 2024

Union prexy ng JAC Liner arestado sa shabu (Tulak ng droga sa drivers?)

080614 drugs shabu arrest

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Anti-Illegal Drug (QCPD) ang terminal master at presidente ng JAC Liner’s Drivers and Conductors Union, sa drug bust operation kahapon ng hapon sa nasabing lungsod.

Sa ulat kay Sr. Supt. Joel Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang nadakip na si Noel Falorina, terminal master ng JAC Liner sa EDSA, Brgy. kamuning, Quezon City.

Ayona kay Pagdilao, si Falorina ay nadakip ng mga tauhan ng DAID sa pangunguna ni Sr. Insp. Robertto Razon, dakong 3:30 p.m. nang dakmain nila ang suspek makaraan bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Habang isinusulat ang balita, hindi pa masabi kung magkano ang halaga ng gramo-gramong shabu na nakompiska sa suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung sinusuplayan ni Forina ng shabu ang mga driver ng JAC Liner.

(ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *