BLANKO pa ang mga imbestigador sa motibo ng pagpaslang kay PO3 Ronald Flores, nakatalaga sa Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU). Si Flores ay pinagbabaril habang nakatayo sa tapat ng isang lodging house sa Legarda St., malapit sa kanto ng C.M. Recto, Sampaloc, Maynila. (ALEX MENDOZA)
AGAD binawian ng buhay ang isang pulis makaraan pagbabarilin sa kanto ng Claro M. Recto Avenue at Legarda Street sa Sampaloc, Maynila.
Kinilala ang kawani ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MPD-TEU) bilang si PO3 Ronald Flores, nagpapatrolya sa lugar nang barilin.
Mabilis na nakatakas ang suspek makaraan barilin nang malapitan ang pulis.
Inilarawan ng mga saksi ang suspek na nakasuot ng puting polo shirt.
Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.