HINDI lang pala sa NAIA Terminal 1 ‘astig’ at ‘sikat’ si Airport Police Corporal Angelito Ramos, kundi maging sa Baltao Area ay kilala siyang ‘hari’ ng pagbebenta ng Sim/Cell Cards, pati E-Loads.
Very business minded talaga pala si Ramos!?
Sa Baltao Area, ang komunidad na malapit sa NAIA ay si Ramos ang numero unong supplier umano ng mga Sim/Cell Cards. Ibig sabihin, siya ang ‘Father of All Smart/Globe Loads’ Sim/Cell Cards na nagbabagsak sa mga tindahan sa paligid nito?!
Talaga palang bigatin ka Corporal!?
At ang latest news na nakapa natin ay ‘itinapon’ na raw si Ramos sa APD Headquarters?
Naku ‘e, tapunan ba o kangkungan ang punong himpilan ng APD? Para yatang napaganda pa ang puwesto ni Ramos?
Bakit ‘di ilagay si Ramos sa rampa para makapamaril ng mga langkay-langkay na migratory birds at makapagliligtas pa siya ng buhay?
Posible rin umano na magtayo ng cellphone loading station si Ramos sa HQ nila. Mukhang makokompleto na ang service provider sa APD GHQ. May nagtitinda na raw roon ng coffee vendo, may catering service, may APD uniforms at t-shirts supplier na rin. Baka makasundo pa ni Ramos ang local investor na nasa likod ng mga negosyong nabanggit?
Hik hik hik…
By the way Cpl. Ramos, nakakatulog ka ba nang mahimbing sa ginawa mo kay Ka Julie Fabroa, ang photo-journalist ng Manila Standard at stringer ng GMA 7?
Talagang kahit sa anong anggulo mo silipin ay “below the belt” ang katarantaduhang ginawa ni Ramos kay Ka Julie na ikinamatay nito.
Si Ramos ang sumita/humuli kay Ka Julie dahil sa pagtitinda sa Arrival Customs Area ng Sim/Cell Cards.
Si Ramos ang nag-imbestiga bilang Airport Police (APD). Pagkatapos ay APD ang nagsuspinde batay sa rekomendasyon ni Ramos na pinapirmahan n’ya sa kanyang mga opisyal.
In the pretext na binigyan daw ng patas na hustisya si Ka Julie kaya siguro pumirma ang superior officers.
Pero ang ‘di alam ng mga opisyal, si Ramos pala ang No. 1 Sim/Cell Cards ‘pusher’ sa airport T1 na kakompitensiya niya sa negosyo. Bukod pa rito ang ilegal na money changer umano ng Saudi Riyals at Dirhams!?
Sonabagan!!!
Ang bigat mo Kabo Ramos!
Tinira mo si Ka Julie, para masolo mo ang raket mo sa cell call card na naging dahilan ng kanyang biglang kamatayan?!
May karma naman… Sabi nga ng mga anak at kaanak ni Ka Julie: “Diyos na ang bahala sa’yo Ramos!”
At nagparamdam at nag-text daw si Ka Julie sa mga mahal niya sa buhay na may ipinasasabi sa ‘yo: “Hinihintay ka na raw ni Ka Julie sa kabilang buhay.”
‘Yun na!