NASAGIP ng Manila Police District ang anim dalagita mula sa isang baklang bugaw sa abandonadong bahay sa Baseco, Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.
Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si alyas Pango o Aramis, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. 649, Zone 68, District 5, Baseco, Compound, Port Area Maynila.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aileen Abunda ng Manila Police District Women and Children’s Protection Desk, dakong 3:45 p.m. nang masagip ang mga dalagita sa nabanggit na lugar.
Ito ay makaraan mabatid ng mga magulang ng mga biktima na ang mga dalagita ay nasa safehouse at ibinubugaw ng mga suspek upang mapagkakitaan.
Napag-alaman, imbes na pumasok sa eskwela ang mga biktima ay dumidiretso sila sa safehouse ng suspek upang kumita.
Ang mga biktima ay dinala na sa kustodiya ng Manila Department of Social Welfare.
Leonard Basilio