Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot nilasing at ‘sinimsim’ ng katagay

111014 rapeARESTADO ang isang lalaking itinuturong gumahasa sa isang 22-anyos babae nang malasing sa inoman nitong Linggo sa San Rafael, Bulacan.

Kinilala ni Bulacan Police Provincial Office Director, Senior Supt. Ferdinand Divina, ang suspek na si Mike Angelo Mendoza, 28, may-asawa, at residente ng Buwisan street, Baliwag.

Ayon kay Divina, ang suspek ay positibong kinilala ng biktimang si ‘Jenny,’ residente ng Brgy. Tangos, Baliwag, na pwersahang nagdala sa kanya sa isang motel sa naturang bayan at siya ay ginahasa.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente nang malasing ang biktima habang nakikipag-inoman sa bahay ng isang Danilo Mendoza sa Brgy. Libis, San Rafael.

Nang malasing ang biktima, pinakiusapan niya ang suspek na ihatid siya sa kanilang bahay ngunit dinala siya sa Aries Lodge sa Brgy. Sabang at doon ginahasa.

Naaresto sa kanyang bahay ang suspek ng mga awtoridad sa pangunguna ni Senior Inspector Diosdado Leal.

Nilalapatan ng lunas ang biktima sa Bulacan Provincial Hospital dahil sa patuloy na pagdurugo ng ari habang ang suspek na nakakulong sa Baliwag Police jail ay nakatakdang sampahan ng kasong rape.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …