NAG-ALOK ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng P200,000 reward money sa sino mang makapagtuturo sa mga suspek ng rape cases sa Magallanes Interchange sa Makati City.
Tatlo na ang nabiktima ng mga suspek na lulan ng van.
Kabilang dito ang 21-anyos estudyanteng naglalakad sa EDSA Magallanes na hinintuan ng van at hinila sa loob ng tatlong naka-bonnet na lalaki, pinasinghot ng kemikal mula sa panyo saka ginahasa at iniwan sa Malolos, Bulacan.
Habang Nobyembre 3 nang dukutin din ang 14-anyos estudyante sa Kalayaan Avenue, Makati City at hinalay ngunit nagawang makatakas nang huminto sa gas station ang van.
Na-gang rape rin ng mga suspek na naka-van ang isang 19-anyos transgender fashion student sa Magallanes Interchange at iniwang hubad sa Laguna.
Hindi pa matiyak ng Makati Police kung iisang van lamang ang nambiktima sa tatlo.
Jaja Garcia