Saturday , November 23 2024

Wanted sa carnapping tiklo sa Makati

101114 Prison EscapeARESTADO ng pulisya ang sinasabing wanted dahil sa paglabag sa Republic Act 6539 (Anti-Carnapping) kamakalawa sa Makati City.

Nakakulong ngayon ang suspek na si Jose Guillermo Navarro, nasa hustong gulang, ng Brgy. La Paz ,ng naturang lungsod.

Base sa natanggap na ulat ni Makati City Police chief, Sr. Supt. Ernesto Barlam, dakong 2 p.m. nang maaresto ng mga kagawad ng Warrant and Subpoena Section si Navarro sa panulukan ng ABC at Pablo Ocampo Streets, Brgy. La Paz ng naturang siyudad.

Ang suspek ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Makati City Regional Trial Court (RTC), Branch 66 dahil sa paglabag sa R.A. 6539.

Si Navarro ay matagal nang pinaghahanap ng pulisya at natiyempohan dahil sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ laban sa itinuturing na wanted person ng lipunan.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *